marami na kong nagawang mali sa buhay ko. mga mali na pinagsisisihan ko pero paulit-ulit ko naman ginagawa. kapag may nagtatanong saken kung bakit ko nagagawa ang mga yun, wala akong maisagot, ngiti lang ang lagi kong tugon. sa bawat pagkakamaling nagawa ko, maraming tao na kong nasaktan. mga taong nandiyan para saken at handang sumoporta sa lahat ng gusto kong gawin sa buhay ko. mga taong nag-alay ng busilak na pagmamahal para sa akin na ni minsan e hindi ko nagawang suklian.
kung mabibigyan man ako ng pagkakataon na humingi ng tawad sa bawat isa sa kanila, hindi ako magdadalawang isip na manikluhod sa harapan nila. tama nga siguro sila, makasarili ako. sobrang makasarili. wala akong ibang iniisip kundi ang sarili kong kapakanan at kaligayahan. hindi ko lubos maisip kung bakit ganito ang naging disposisyon ko sa buhay.
pero ngayon matapang kong sasabihin na handa na kong baguhin ang lahat. naumpisahan ko na, tuloy- tuloy na. mahirap pero alam kong ito ang dapat sa paningin ng lahat at sa paningin ng kristong pinaglilingkuran ko. pinagsisisihan ko ang mga mali kong nagawa, at sisiguraduhing hindi ko na muling uulitin.
magpapaalam man ako sa mga materyal na bagay o sayang nabibigay saken ng mga maling nagawa ko, mas matinding saya at kakuntentuhan naman ang mararamdaman ko pag napagtagumpayan ko to. kaya ko to.




